Sunday, July 21, 2013

PANGAKO!

Naniniwala ka ba sa salitang "PANGAKO"?

Sa sarili kong pananaw, ang pangako ay nabibitawan ng mga tao dahil sa matinding emosyon na nararamdaman sa oras na bitiwan nila ang pangakong iyon, hindi ko nilalahat na lahat ng nangako ay hindi tumupad sa kanilang mga binitawang salita, mas nakakarami lang ang napapako sa kanilang pangako.

"Ate Karl, kapag may maipagmamalaki na ako sayo, liligawan kita ah! PANGAKO YAN!"

Nagulat ako noong sinabi niya sa akin yan ng harapan. Madalas sinasabi niya yan sa akin kahit may kaharap kaming ibang mga kaibigan, but last 13 April 2013, he added the word, "PANGAKO!" smile lang ang nagawa kong pagsagot sa kanya then I hugged him. Overwhelm lang ako. ^______^**


...but at the back of my mind; may konting doubt pa! haha. hello naman! galing siya sa long term relationship ng ex-girlfriend niya and masasabi ko naman na may kagwapuhang tinatago siya plus may pagkakwelaaa pa! :) kaya no doubt, madaming pwedeng magkagusto at magustuhan siya!

Inunahan ko na siya, habang hindi pa malalim ang mga damdamin ^___^*

DEAREST YOU,

First of all, SALAMAT! salamat sa walang sawa na pagsabi na maganda ako hahaha. ^___^* na kahit na medyo mataba ako, maganda pa din ako sa paningin mo. SALAMAT sa pangako na yan, gaya ng sabi ko sayo, ayos lang sa akin kung hindi mo tuparin ang pangako na yan ;) madami pang mangyayari at magbabago. hindi ako negative, pero gusto ko lang malinaw ang mga possibility na maaring mapako yan, para atleast ready na ako diba? haha. kung masasaktan man ako sa araw na hindi matupad yan, siguro konti lang. ^______^* 

MASAYA ako having you in my life! :) Hindi ko alam pero sa maikling time na nakausap kita, madami akong natutuhan :) haha. yung merong mundo sa kabila ng modern world today! 

SORRY minsan kasi palagi mong sinasabi na hindi ako nagtitiwala sayo. malaki ang tiwala ko sayooooo! yun yung totoo. minsan lang talaga kasi hindi ko alam paano magrereact sa mga bagay-bagay na sinasabi at ginagawa mo, kaya tuloy nadadaan ko nalang sa pabiro, pero sinasabi ko, APPRECIATED yan lahat! :) ahaa. SORRY sa pangungulit ko sayo minsan ah! haha. magaan lang loob ko kapag kausap kasi, kahit wala ako masabi most of the time. 

ehem! palagi kang mag-iingat ah! wala kasi tayong constant communication eh! haha.
i love you!

love lots,
ate karl ^___^**


EOF.

No comments: