Wednesday, June 24, 2015

Facing My Greatest Fear

14 - 15.06.2013 the day that I made a change.

Welcome back again to school ang aking drama together with my dearest twin, Mai ^____^,

yes! student muli ako after I graduated two years ago.

We enrolled as EDUCATION - UNITERS... yaaa! Is this real? I'm facing one of my greatest F E A R! haha. So kapag naipasa ko ang nine units ko this sem, susunod-sunorin ko na??? hmmm. malalaman sa October. hihi

Meron kaming eighteen meetings this semester and naka-one down na kami kanina
So 17 sessions nalang! akalain mo yun ooh! fight!



This is it! Mahiyain ako kung sa mahiyain, pero wala akong magagawa, kailangan ko ng harapin ang reporting mode. ^____^, in any case, hindi naman ako mamatay dyaaan hahaha. hwaiting! Minsan ayos din naman maging

KAMBAL!
this is it! Akalain mo yun nagging mag-classmates pa tayo! Hindi nga natin masasabi talaga ang pwedeng mangyari. yuuun! Tara na. Next nito, review then board exam na! ^___________________^**


P.S.

two years ago pa ang entry ko! *__* now lang napublish!

.EOF.

Sunday, July 21, 2013

LAST

Falling in love with my best friend is one of the hardest thing that I made. I don't know if it's my choice, but all I know is that I loved and been hurt by HiM.


Mahirap makahanap ng isang tunay, maasahan at mapagkakatiwalaan na tao pero ako nakita ko siya sa katauhan ng aking best friend na si -----. Tinanggap ko siya kung sino at ano siya ng buong buo, marami kaming mga pinagdaanang mga bagay bagay bago namin marating ang pagiging close. Nagsimula kami sa awayan until nag-end up kami na maging best friends. Masaya ako nung panahon na yun, as in super saya yung parang sana hindi na matapos ang oras na kasama ko siya. Sa sobrang close namin hindi ko na namalayan na nahuhulog na pala ako sa kanya. It was almost a year na araw-araw kaming magkasama, kung hindi man kami magkasama alam namin kung nasan ang bawat isa. Sabi ko nga sa kanya, nagkaroon ako ng instant boy friend sa katauhan niya, tinatawanan niya lang ako kapag sinasabi niya yan. That days(Late 2011 - early 2012) masaya ako at may malisya na para sa akin ang mga ginagawa niya. Buo na ang araw ko kapag nakakausap ko siya sa phone plus nakikita ko siya. Umaalis kami ng kami lang dalawa**friendly date, pero sa akin may malisya na pala! haha** 

...but as the saying says: "People change"

Early 2013, I felt everything change between us! :'( Hindi na kami yung dating magkaibigan. We're back to almost strangers again :'( Syempre, nagtaka ako kung bakit?! kasi alam ko sa sarili ko wala akong ginagawang masama sa kanya, palaging ako ang nag-aapproach kung pwede pang iwork out ang friendship namin. Naayos naman ng konti, kaso ang nangyari dumedepende na ang friendship namin sa mood niya. Sinabi ko sa sarili ko na kakayanin ko, kasi mahalaga at mahal ko siya kaya hindi ko hahayaang mawala siya sa akin, sabi ko hindi ako mapapagod kahit kailan.... pero I was wrong! :( dumating na ako sa point na ayaw ko na :'( It was the time when he gave me back the letter that I gave him. Sa lahat lahat ng ginawa niya sa akin na hindi maganda, yun ang PINAKAMASAKIT! >.< Ganon pala ang pakiramdam na ibalik sayo yung pinaghirapan mo na bagay. Well maiyak iyak na ako nung matanggap ko yun pabalik, He told me that he can't take good care of it kaya better na ibalik sa akin. I felt that I was left again, not by my romantic love but my best friend. :'( Again I approached him, pero wala ayaw muna niya akong kausapin. Hinayaan ko lang. As days passed by, pinag-aralan ko ng tanggapin ang sitwasyon. SOBRANG SAKIT! nakakamatay na sakit. Nahirapan din ako kasi we belong to same circle of friends, minsan nagseselos ako, kasi bakit ako kayang kaya niyang tiisin na hindi kausapin, pero yung iba hindi niya matiis. Well that's reality! haha. May mga bagay talaga na hindi ko na kayang baguhin kaya mainam nalang na tanggapin ko.

... and the sad truth;

until now affected pa din ako sa kanya, but not like before.. 
medyo adjusted na ako haha. ang tanga ko ba? haha. Kahit sa simula palang alam ko naman na never niya akong magugustuhan kasi si kaarl lang ako sa buhay niya! we're almost opposite. si PUSO kasi eh! haha. ang dami naman dyan siya pa ang pinili. haha. irony of life! :)) umibig ako sa taong ang gusto ay kapwa niya. **kaya mahal na mahal kong panoorin ang My Husband's Lover"** halos lahat ng pag-ibig niya pinakilala niya sa akin, kasakit kaya nun, yung iniibig mo ipapakilala ang iniibig niya. kapag ganun ang sitwasyon, umaalis na agad, pero na-immune na si PUSO kaya feeling ko wala na sa akin yun.

Siguro ang pagkakamali ko lang I never told him what I really feel. haha. Ayaw ko kasing masira yung friendship namin, pero in the end, wala eh nasiira na din. Ang pinakanagpapalungkot sa akin ay hindi yung pagbalik ng pagmamahal na binigay ko sa kanya kundi yung friendship na nawala :'( sabihin ko na nandyan pa din naman yung friendship namin but hindi na kagaya before. HAHAHA! I just remembered sabi niya sa akin, "Hindi ka tunay na kaibigan, plastic" haha. hindi ko inintindi yan kasi ayaw ko siyang mawala sa akin. pero sabi ni UTAK at PUSO, "STOOOOOOOOOOOOOOOOOOP! hayaan mo muna siya, pagod ka na. Mas masaya siya sa piling ng iba, kaya be happy for him :) dapat maging masaya ka din kasi masaya na siya. Love is sacrificing kaya hindi mo siya pwedeng pigilan sa kanyang gustong gawin, let him go! :) kung saan siya tunay na magiging maligaya" haha, akalain mo nagkasundo sina UTAK AT PUSO!


....


MAHAL PA DIN KITA! ^_____^**
pero wala ng malisya! :b
Until we meet again my dearest best friend.

**I made this entry, para gumaan na din ang pakiramdam ko towards him. Never akong nagkaroon ng sama ng loob sa kanya kahit pinapaiyak at sinasaktan niya si damdamin. Siguro gusto ko lang muna makalaya sa nararamdaman ko sa kanya. hahaha! Gusto ko din naman magkaroon ng kaligayahan! :) sympre kahit ganyan nangyari sa amin, gusto ko in time kasama pa din siya sa mga taong kasama ko pagtanda ^______________^*

EOF.

PANGAKO!

Naniniwala ka ba sa salitang "PANGAKO"?

Sa sarili kong pananaw, ang pangako ay nabibitawan ng mga tao dahil sa matinding emosyon na nararamdaman sa oras na bitiwan nila ang pangakong iyon, hindi ko nilalahat na lahat ng nangako ay hindi tumupad sa kanilang mga binitawang salita, mas nakakarami lang ang napapako sa kanilang pangako.

"Ate Karl, kapag may maipagmamalaki na ako sayo, liligawan kita ah! PANGAKO YAN!"

Nagulat ako noong sinabi niya sa akin yan ng harapan. Madalas sinasabi niya yan sa akin kahit may kaharap kaming ibang mga kaibigan, but last 13 April 2013, he added the word, "PANGAKO!" smile lang ang nagawa kong pagsagot sa kanya then I hugged him. Overwhelm lang ako. ^______^**


...but at the back of my mind; may konting doubt pa! haha. hello naman! galing siya sa long term relationship ng ex-girlfriend niya and masasabi ko naman na may kagwapuhang tinatago siya plus may pagkakwelaaa pa! :) kaya no doubt, madaming pwedeng magkagusto at magustuhan siya!

Inunahan ko na siya, habang hindi pa malalim ang mga damdamin ^___^*

DEAREST YOU,

First of all, SALAMAT! salamat sa walang sawa na pagsabi na maganda ako hahaha. ^___^* na kahit na medyo mataba ako, maganda pa din ako sa paningin mo. SALAMAT sa pangako na yan, gaya ng sabi ko sayo, ayos lang sa akin kung hindi mo tuparin ang pangako na yan ;) madami pang mangyayari at magbabago. hindi ako negative, pero gusto ko lang malinaw ang mga possibility na maaring mapako yan, para atleast ready na ako diba? haha. kung masasaktan man ako sa araw na hindi matupad yan, siguro konti lang. ^______^* 

MASAYA ako having you in my life! :) Hindi ko alam pero sa maikling time na nakausap kita, madami akong natutuhan :) haha. yung merong mundo sa kabila ng modern world today! 

SORRY minsan kasi palagi mong sinasabi na hindi ako nagtitiwala sayo. malaki ang tiwala ko sayooooo! yun yung totoo. minsan lang talaga kasi hindi ko alam paano magrereact sa mga bagay-bagay na sinasabi at ginagawa mo, kaya tuloy nadadaan ko nalang sa pabiro, pero sinasabi ko, APPRECIATED yan lahat! :) ahaa. SORRY sa pangungulit ko sayo minsan ah! haha. magaan lang loob ko kapag kausap kasi, kahit wala ako masabi most of the time. 

ehem! palagi kang mag-iingat ah! wala kasi tayong constant communication eh! haha.
i love you!

love lots,
ate karl ^___^**


EOF.